Ang wika at kultura ay magkatuwang sa paghubog ng ating pagkakakilanlan. Sa isang panayam sa isang guro, kanyang ibinahagi na ang wika ang nagsisilbing daluyan ng ating kultura, dito naipapahayag at naipapasa ang mga tradisyon, paniniwala, at karanasan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Aniya, ang bawat salitang ginagamit natin ay may kalakip na kasaysayan at kahulugan na sumasalamin sa ating kultura bilang Pilipino.
Ayon sa gurong aming nakapanayam, isang malaking hamon sa kasalukuyan ang impluwensya ng globalisasyon, kung saan mas inuuna ng kabataan ang banyagang wika at kultura. Ngunit, sa kabila nito, mahalagang ipaalala na ang ating sariling wika ay daan upang mapanatili at palaganapin ang mga lokal na kaugalian at tradisyon. Ang wika, gaya ng kultura, ay nagbibigay ng malalim na kahulugan sa ating pagiging Pilipino, isang bagay na hindi dapat natin kalimutan o iwanan.
Sa kabuuan, ipinapakita ng karanasan na ang wika at kultura ay hindi dapat ituring na hiwalay. Ang kanilang kaugnayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan at pagkakaisa bilang isang bansa.
Comments
Post a Comment